Lyrics of Philippine Songs

Filipino song lyrics by different composers and in different dialects -- all part of the UPAFR's wide repertoire


PAMAYPAY NG MAYNILA
C. de Guzman

Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan
May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan
Ang bawa't mga kilos sa padyak ng pamaypay
Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.

Kung ito'y nakatabing sa tapat ng mukha ko
Ang ibig na sabihin may pag-asa sa puso ko
Nguni't pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo
Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.

Pag ito'y pinamaspas na panay ang pagaspas
Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiin
Subali't pagmalaya, may ibig alamin
Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.

Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin
Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdamin
Bawa't simoy ng hangin na dito ay nanggaling
Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

top


PAMBANSANG AWIT
Philippine National Anthem
Julian Felipe

Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aking ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa 'yo.

top


PAMULINAWEN
Ilokano Version

Pamulinawen
pusoc indengam man
Toy umasasug
agrayo ita sadiam
Panunotem man
Di ca pagintutulngan
Toy agayat
Agrayo 'ta sadiam.

Issem ta diac malipatan
Ta nasudi unay nga nagan
Uray sadin tayan
lugar sadino man
Pusoc dina liclican
Tanda niayat nga silalasbang
No malagip ca
pusoc ti mabangaran.

Panunotem man
Di ca pagintutulngan
Toy agayat
Agrayo 'ta sa diam

Issem ta diac malipatan
Ta nasudi unay nga nagan
Uray sadin tayan
lugar sadino man
Pusoc dina liclican
tanda niayat nga silalasbang
No malagip ca
pusoc ti mabangaran.

Adu nga bitbittuen
adu nga rosrosas
Ti addat disug
Agrayo ita sadiam
Panunotemman
di cas kenca nga limtuad
Sabong ni ayat
sica't pagpasagac.
Issem ta diac malipatan
Ta nasudi unay nga nagan
Uray sadin tayan
Lugar sadino man
Pusoc dina liclican
Tanda niayat nga silalasbang
No malagip ca
Pusoc ti mabanga ran

Tagalog Version
Lyrics by Pastor de Jesus

Huwag kang magtampo
Iyon ay biro lamang
Di na uulit
Manalig ka Hirang
Kung galit ka pa
Parusahang lubusan
At 'yong asahang
Hindi magdaramdam

Tunay ang aking pagibig
At hindi biru-biro lamang
Ang puso ko'y sa iyo
Huwag kang magalinlangan
At kung kulang pa rin
Ay kunin mo pa yaring buhay
'Yan ay tanda ng
Sukdulang pagmamahal

Kung galit ka pa
Parusahang lubusan
At 'yong asahang
Hindi magdaramdam

Tunay ang aking pagibig
At hindi biru-biro lamang
Ang pso ko'y sa iyo
Huwag kang magalinlangan
At kung kulang pa rin
Ay kunin mo pa yaring buhay
'Yan ay tanda
ng sukdulang pagmamahal.

top


PIPIT
by San Pedro

(1)
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
(2)
Dahil sa sakit di na makaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog nguni't parang taong bumigkas
(3)
Mamang kay lupit
Ang puso mo'y di na nahabag
Pag pumanaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak

(Instrumental)
(Repeat (1), (2)
Repeat (3) twice)

top


PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM

Land of the morning,
Child of the sun returning,
With fervor burning,
Thee do our souls adore.

Land dear and holy,
Cradle of noble heroes,
Ne'er shall invaders
Trample thy sacred shores.

Ever within the skies
And through thy clouds and o'er the hills and sea,
Do we behold the radiance,
Feel the throb of glorious liberty.

Thy banner, dear to all our hearts,
It's sun and stars alight,
O never shall its shining field
Be dimmed by tyrants' night!

Beautiful land of love, O land of light,
In thine embrace, 'tis rapture to lie,
But it is glory ever, when thou art wronged,
For us thy sons to suffer and die.

top


POBRENG ALINDAHAW
by Villaflor

Ako'y pobreng alindahaw
Sa huyuhoy gianod-anod
Nangita ug kapanibaan ahay
Sa tanaman ug sa manga kabulakan
Aruy, aruy, aruy, aruy
Ania si bulak sa mga kahidlaw
Aruy, aruy, di ka maluoy
Ning pobreng alindahaw.

top


ROSAS PANDAN
Visayan Folksong

Dalaga ay parang rosas
Bumabango 'pag namumukadkad
Habang hinahagkan ng araw
Lalong gumaganda ang kulay.

At ang ngumingiting talulot
Nilalapitan ng mga bubuyog
Ang mutyang iyong nililiyag
Ay tulad din pala ng rosas.

Kahit na umula't kumidlat
Kay ganda rin ng rosas
Lalong sumasariwa
Sa tubig ng paglingap.

Nguni't pag binagyo't ununos
Ang rosas ng pag-irog
Sawi ang pagsuyong
Nilanta nang paglimot.

Ganyan ang dalagang
Sawi sa kanyang irog.

top


SAAN KA MAN NAROROON
by Celerio/Umali

Saan ka man naroroon sinta
Pag-ibig kong wagas ang 'yong madarama.
Kailan pa man sa iyo'y di lilimot
Pusong uhaw sa iyong pag-irog.

Saan ka man naroroon sinta
Pangarap ko'y ikaw pagka't mahal kita
Asahan mong sa habang panahon
Alaala kita saan ka man naroroon.

top


SA GABING MAPANGLAW
by De Leon

Tumataghoy sa gabing mapanglaw
Ang abang lagay ko O mutyang hirang
Sana'y dinggin ang hibik at daing
Waring malalagot na ang buhay na angkin.

Bago man lang ako maglaho ng ganap
Dungawin mo itong abang naghihirap
Kahit sulyap man lang kung tatapunan
Langit ko nang ituturing ang libingan.

top


SA LIBIS NG NAYON
by Santiago S. Suarez

Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon
Taginting nitong kudyapi ay isang himatong
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon
Bawa't puso'y tumutugon sa nilalayon

Puno ng kawayan ay naglangitngitan
Lalo na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan
Pinukaw na tunay nitong kasayahan.

Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay
Sa libis ng nayon doon manirahan
Taga-bukid man may gintong kalooban
Kayamanan at dangal ng kabukiran

Ang liwanag ng buwan at kislap ng bituin
Ay nag-aalay ng aliw.
kung ang puso'y ang hanap ay paglalambing
Awit ng parang ay dinggin.

Ang pagibig man din dito nagsupling
At kapag nasiphayo'y luksang libing.
Kaya't ang payo ko ay inyong susundin
Bukid ay dapat mahalin.

top


SAMPAGUITA
Tagalog Folksong

Sampaguita mutyang halaman
Bulaklak na ubod ng yaman
Ikaw lang ang siyang hinirang
Na sagisag nitong bayan.

At ang kulay mong binusilak
Ay diwa ng aming pangarap
Ang iyong bango't halimuyak
Sa tuwina ay aming nilalanghap.

O bulaklak na nagbibigay ligaya
Aking paraluman mutyang Sampaguita
Larawang mistula ng mga dalaga
Tanging ikaw lamng
Ang hiraman ng kanilang ganda.

Ang 'yong talulot na kay ganda
Mga bubuyog nililigiran ka
Kung sa dalagang sinisinta
Araw gabi'y laging sinasamba.

top


SAPAGKA'T MAHAL KITA
by De Leon

Giliw ikaw ang buhay
Puso ay sa 'yo lamang
Tanging ang iyong larawan
Aliw ng aking pagmamahal.

Dahil sa 'yo may kulay ang daigdig
Pawang lahat ay may awit.
Yaong bukid maging hangin, sila'y naiinggit
At ang batis ng pagsuyo ang s'yang dinadalit.

Pag-ibig na kay tamis, di magmamaliw sinta
Kahit na tuluyang kang maglaho sa mata
Kailan pa man sumpa'y di mag-iiba
Pagka't hanggang sa wakas mahal kita.

top


SARUNGBANGGI
Bicolano Folk Song

Bicolano Version

Sarong bangui
Sa higdaan
Nacadangog aco
Hinuni nin sarong gamgam.

Sa luba co
Katurugan
Baco cundi,
simong tingog iyo palan.

Dagos aco bangon si sacuyang mata iminuklat
Sa kadikloman nin bangui aco nangagcalag
Si acong paghiling biglang tinuhog paitaas
Simong laog na magayon maliwanag

Tagalog Version

Isang gabing maliwanag
Ako'y naghihintay sa aking magandang dilag;
Namamanglaw ang puso ko
At ang diwa ko'y lagi nang nangangarap.

Malasin mo giliw
ang saksi ng aking pagmamahal
bit'wing nagniningning, kislap ng tala't
liwanag ng buwan
Ang siyang nagsasabi na ang pag-ibig
ko'y sadyang tunay
Araw, gabi ang panaginip ko'y ikaw.

Magbuhat ng ikaw ay aking ibigin,
Ako ay natutong gumawa ng awit;
Pati ng puso kong dati'y matahimik,
Ngayo'y dumadalas ang tibok ng aking dibdib.

top


SILAYAN
Tagalog Harana

Sa bawat sandali tayo ay magkapiling
Sa bawat lunggati pakinggan ang hiling
Ang puso ko't budhi ay hindi sinungaling
Sana ay ulinigin damdamin ko, giliw--

Asahan, pangarap nitong buhay
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin.

Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Tulutang magtapat sa 'yo hirang
Lahat ng araw kita'y mamahalin.

top


TINIKLING

Tayo irog ko magsayaw ng tinikling
Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin
Ang mga padyak kung di pagbubutihin
Dalawang kawayan tayo'y iipitin.

At sa tinikling na labis na panganib
Ang hindi maingat ay maiipit
Nguni't mahak ko ganyan din sa pagibig
Ang hindi tapat ay maiipit.

top


TUNAY NA TUNAY
by Ramos/Silos

Irog, di mo ba naririnig
Ang himutok ng pagibig at awit
Ng puso galing sa dibdib?
Langit, bakit di mo pakinggan
Nais ko sana'y mapawi
Ang hirap at dusang pinapasan
Ay...

Tunay na tunay, irog, ako'y balisa
Hirap na lamang ang laging nakikita
Bakit ang puso ko ay walang ligaya
O buhay niyaring buhay, maawa ka.

top


U.P. BELOVED
Nicanor Abelardo/Lyrics by Teogenes Veles

U.P. Beloved
Thou Alma Mater dear,
For thee united
Our joyful voices hear;
Far tho we wander,
O'er islands yonder,
Loyal thy sons we'll ever be,
Loyal thy sons we'll ever be..

Tagalog Version

U. P. Naming Mahal

I

U. P. naming mahal
Pamantasang hirang
Ang tinig namin
Sana'y inyong dinggin
Malayong lupain
Amin mang marating
Di rin magbabago and damdamin
Di rin magbabago ang damdamin

II

Luntian at pula
Sagisag magpakaylan man
Ating 'pagdiwang
Bulwagan ng dangal
Humayo't itanghal
Giting at tapang
Mabuhay ang pag-asa ng bayan
Mabuhay ang pag-asa ng bayan

top


WALAY ANGAY

I

Walay angay ang kamingaw
Ang magpuyo sing walay kalipay
Pirme ang buot gumapung-aw
Guican sa walay pahuway nga pagtu-aw

II

Ang puso ko'y namamanglaw
Pagkat ayaw
Mong dinggin man lamang
Araw, gabi dalangin ko
Na magbalik ang tunay na
Pagsuyo mo

III

Di ka na nahabag
Di ka na naawa
Sa aking puso na nagdurusa
Ng dahil sa 'yo
Hanggang may hininga
Di na magbabago
Ang sumpang ikaw lang
Ang iibigin ko

top


Home > Repertoire > Lyrics

Home | Organization | Music | Events | Gallery | Donate | Contact | Links | Site

©1995-2024 University of the Philippines & Friends Rondalla

http://www.upafrondalla.org
creators: J. Sonny Santos and Faith Reyes

</BODY> </HTML>