Lyrics of Philippine Songs

Filipino song lyrics by different composers and in different dialects -- all part of the UPAFR's wide repertoire


AHAY TUBURAN!
Visayan Folk Song

Tubig nga matin-aw
Ga ilig sa ubos
Gikan sa ibabaw
Kon ako cumacancion
May dalang kamingao
Adios na ti adios
Baya-an ta ikaw.

Tubig na malinaw
Umaagos paibaba
Galing sa itaas.
Kung aka ay umaawit
May dalang kalungkutan
Paalam na o paalam
Ikaw ay aking iiwan.

top


AKO AY PILIPINO
by George Canseco/Bagayaua

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan
ng Maykapal

Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Isang bansa, 'sang diwa
ang minimithi ko
Sa bayan ko't bandila
Laan buhay ko't diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

top


AKO'Y KAMPUPOT
by Velez

Ako'y kampupot
Na bagong sikat
Ang halimuyak
Sadyang laganap
Kaligayahan sa bawa't oras
Man din ang nais
Tanging paglingap

Kaya't noong minsan
Ay napakinggan
Isang binatang
Nananambitan
Puso kong taglay
Lubhang pihikan
Ay narahuyo sa panawagan.

Refrain:

Nasaan yung pangarap
Ng paglalambingan
Tangan na ng aking hirang
Alay ay kaligayahan
Kay tamis nga naman
Mabuhay 'ta sa pagmamahal
Kung ang ligaya ay makakamtam
Sa habang buhay.

top


ALAALA KITA SA PAGTULOG
Tagalog Folksong

Akala mo yata kita'y nililimot
Alaala kita sa gabing pagtulog
Ang inuunan ko luhang umaagos
Ang binabanig ko ay sama ng loob.

Di ka na nahabag, di ka na naawa.
Lusak na ang lupa sa patak ng luha.

Buksan mo na neneng ang munting bintana
At ako'y dungawin nagmamakaawa.

top


ANO DAW IDTONG SA GOGON
Bicol Folksong

Ano daw idtong sa gogon
Garong bulawan paghilngon
Casu sacuyang dulucon
Ay, ay burac palan nin balagon.

Casu sacuya ng qui cu-a
Sarong tingog ang nagsayuma
Hariman aco pagcua-a
Ay, ay burac aco ni Maria.

top


ATIN CU PUNG SINGSING
Pampango Version:

Atin cu pung singsing,
Metung yang timpucan;
Amana que iti
queng indung ibatan;
Sangcan queng sininup
keng metung a caban,
Mewala ya iti,
Ecu camalayan.

Ing sucal ning lub cu,
Susucdul quing banua,
Picurus cung gamat
Babo ning lamesa;
Nino mang manaquit
Queng singsing cung mana
Calulung puso cu
Manginuya que a.

Tagalog Version:

Ako ay may singsing
May batong kay inam
Binigay sa akin
Ng mahal kong nanay
Sa tapat ng dibdib
Iningat-ingatan
Kung san nawaglit
'Di ko na nalaman

Nawala ang singsing
'Di ko na nakita
Abot hanggang langit
Ang taglay kong dusa
Sino mang binata
Ang makakukuha
Ang abang puso ko
Ay magiging kanya

Instrumental
Repeat all

Coda:
Ang abang puso ko
Ay magiging kanya

top


AY, AY, AY, O PAGIBIG
by Gonzalez

Buhat nang kita'y makita
Nadama ang pagsinta
Ng puso kong nagdurusa
Giliw ko, maawa ka.

Huwag mo sanang pahirapan
Puso kong nagdaramdam
Pagka't magpakailan man
Ikaw ang tunay kong mahal.

Ay, ay, ay, ay O pagibig
Pagpumasok sa puso ay may ligalig
Ay, ay, ay, ay, ay hanggang langit
Ang pangako ng pusong umiibig

top


BANAHAW
Tagalog Folksong

Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batis
Sa bundok Banahaw
Ay inihahatid, ay inihahatid
Nang hanging amihan
Kaya't yaring abang puso
Sakbibi nang madlang lumbay
Sa sandaling ito, sa sandaling ito'y
Naliligayahan.

Halina, irog ko at tayo'y magsayaw
Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay
Dini naman sa lumang kudyapi
Ikaw irog aking aawitan
Sa saliw ng hanging palay-palay
Sa bundok ng Banahaw.

top


BARONG TAGALOG
by Santiago S. Suarez

Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong Tagalog na sadyang makisig.
Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip
Na ito'y damit ng bansang kay hirap malupig.
Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga
Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina.

Sa sariling bayan nati'y alinsangan
Makapal na kayoy hindi kailangan.
Ang barong Tagalog kahit sinamay lang
Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang.

Nang maghimagsik itong ating bansa
Dahil sa paglaya
Ang barong Tagalog natin ay dakila
Pagka't siyang ginamit
Ng bayaning namayapa.

top


BAYAN KO
by Jose C. de Jesus -- Constancio De Guzman

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pagibig sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibong mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas.
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika makita kang sakdal laya

top


CONDANSOY
Visayan Folk Song

Condansoy, inum tuba, Laloy.
Dili ka ma-inom, tuba pait, aslom.
Ang tuba sa bahay, patente mo angay.
Talacsan nga diutay, pono ang malaway.

top


DAHIL SA ISANG BULAKLAK
by Ruben Escare
Lyrics by L. Celerio

Inulila mo, sinta,
ang puso kong nagmamahal,
Ngayon ay nag-iisa
at palaging nalulumbay.
Di mo ba nababatid na ikaw ang mahal?
Kung malayo ka ay aanhin, giliw,
yaring buhay...

Inulila mo ako, ano ang magagawa
Kung hindi ang magtiis
sa pagsuyong nawala,
Lagi nang namamanglaw
ang pusong nag-iisa,
Inulila mo, inulila mo ako, sinta.

top


DAHIL SA IYO
M. Velarde Jr. - D. Santiago

INTRO

Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit
Ng pusong umiibig
Mandi'y wala nang langit
At nang lumigaya
Hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta
Ang aking pag-asa ...

I

Dahil sa iyo
Nais kong mabuhay
Dahil sa iyo
Hanggang mamatay
Dapat mong tantuin
Wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin
Ikaw at ikaw rin ...

II

Dahil sa iyo
Ako'y lumigaya
Pagmamahal
Ay alayan ka
Kung tunay mang ako
Ay alipinin mo
Ang lahat sa buhay ko'y
Dahil sa iyo ...

top


DANDANSOY
Visayan Folksong

Visayan Version:

Dandansoy, bayaan ta icao
Pauli aco sa Payao
Ugaling con icao hidlauon
Ang Payao imo lang lantauon.

Dandansoy, con imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling con icao uhauon
Sa dalan magbobonbobon.

Convento, diin ang cura?
Municipio, diin justicia?
Yari si dansoy maqueja.
Maqueja sa paghigugma
Ang panyo mo cag panyo co
Dala diri cay tambijon co
Ugaling con magcasilo
Bana ta icao,asawa mo aco.

top


DON'T YOU GO TO FAR ZAMBOANGA
Traditional

Don't you go oh don't you go
To far Zamboanga
Where you may forget
Your darling far away
Don't you go oh don't you go
For it you leave me
How can I without you stay?

Oh weep not, my dear Paloma
Oh weep not for I'll return
Oh weep not my little darling
I shall remember and I shall yearn.

top


DUNGAWIN MO, HIRANG
Santiago S. Suarez

Irog ko'y pakinggan
Awit na mapanglaw
Na nagbuhat sa
Isang pusong nagmamahal.

Huwag mong ipagkait,
Awa mo'y ilawit
Sa abang puso kong
Naghihirap sa pag-ibig

Chorus:
Dungawin mo, hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay

Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong Dahil sa 'yo'y nabubuhay

top


Home > Repertoire > Lyrics

Home | Organization | Music | Events | Gallery | Donate | Contact | Links | Site

©1995-2025 University of the Philippines & Friends Rondalla

http://www.upafrondalla.org
creators: J. Sonny Santos and Faith Reyes

</BODY> </HTML>