Lyrics of Philippine Songs

Filipino song lyrics by different composers and in different dialects -- all part of the UPAFR's wide repertoire


HALINA SA KABUKIRAN
by J. Silos Jr.

Halina, irog ko, sa kabukiran
Upang lagi nang dito manirahan,
At sa araw-araw ang mararanasan mo'y kaligayahan.
Mga ibon dito'y nagsisihuni,
Maagang-maaga pa lang,
Sa mga siwang ng dahon ng buli
Ay mapapakinggan.

Tiririt-tiririt-tiririt,
Ibo'y naghuhunihan,
Tiririt-tiririt-tiririt,
Tila ibig sabihin niyan---
Kung masipag kang lagi
Ay uunlad din ang iyong buhay.

top


IKAW ANG MAHAL KO
by Arevalo

I

Ikaw ang mahal ko
Ikaw ang mahal kong tunay na tunay
Ang laging panaginip ko'y tanging ikaw
Nguni't ang totoo madalas mong mapag-alinlangan
Ang puso kong tapat sa pagsintang 'di mo alam.

II

Ang pagibig kong lubusan kay hirap maunawaan
Sa puso o, ang pagsintang dalisay
Laging wagas kahit mapagbintangan.

III

Ikaw ang mahal ko
Ikaw ang mahal kong tunay na tunay
Sa puso kong tapat sa pagsintang 'di mo alam.

Instrumental
Repeat All
Repeat (2)

Coda:
La la la la la la -a ha
la la la la la la -a ha
la la la la la la -a ha
'di mo alam

top


ILOCANA A NASUDI
Ilocano Folk Song

Ilocana a napnuan sudi,
Sapatam ay nacappapati
Toy pusoc innac kenca icari
Sica laeng awan sabali
Ti innac ay-ayaten
Ken pagserbian tungpal tanem ...
Ay wen!

Koro:

Ilocana a naemma
Diacto agayaten
No dinac aclonen.
Ilocana a naregta
Diacto agbiaguen
No dinac ay-ayaten.

top


KATAKATAKA
by Santiago S. Suarez

Kataka-takang mahibang
ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula
ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako
ngunit 'yan ay di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo
(Repeat)

Alaala ka maging gabi't araw
Alipinin mo't walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo, hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay.

top


KUNG NAGSASAYAW KITA
Tagalog Folksong

Kung nagsasayaw kita at umiindak
Puso ko'y sumisigla at pumipiglas
Dahil sa ikaw ang tangi kong nililiyag
At pangarap ka ng puso ko sa magdamag.
Bakit ba naman ikaw ay lumalayo
Di pa tanggapin itong pagsuyo.

Kung nagsasaya kita, dibdib ko'y kumakaba
Sana'y huwag matapos ang madlang saya
Tunay na tunay ba? Pagsuyo ko'y tunay!
Hanggang kailan nga ba? Hanggang may buhay!
Di na magmamaliw ang naglahong araw
Araw ng pagsuyo di mapaparam.

top


LERON-LERON SINTA
Tagalog Folksong

Leron, leron sinta, buko ng papaya
Dala-dala'y buslo, sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo'y nabali ang sanga
Kapus kapalaran, humanap ng iba.

Gumising ka Neneng, tayo'y manampalok
Dalhin mo ang buslo't sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y lalambalambayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.

Ako'y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

top


LAMBINGAN
by L. Ignacio

Ay kay tamis hirang nang pagsintang tunay
Ang lahat ay buhay lalo kita'y kapiling
Kung tayo'y mawalay palad ko'y hinirang
At kung walang lambingan mabuti pa
Mabuti pa tayo'y pumanaw.

Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkot
Napaparam, nagbabago ang lahat ng himutok
At sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mong mabango
Ay tuluyang napaparam ang hirap ko.

Kung tayo'y magkasayaw, magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag
Sa suyuang matimyas, nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap nang matamis na lambingan.

top


LULAY
Visayan Folk Song, Danza Filipina

Anong laking hirap kung pagka-iisipin
Ang gawang umibig sa babaeng mahinhin
Lumuluhod ka na'y di ka pa mandin pansin
Sa hirap ikaw kanyang susubikin.

Ligaya ng buhay babaeng sakdal inam
Ang halaga niya'y di matutumbasan
Kahinhinan niya'y tanging kayamanan.

top


MAALAALA MO KAYA?
C. De Guzman

Huwag mong sabihing ikaw'y hamak
kahit na isang mahirap,
Pagka't ang tangi kong pagibig
ganyan ang hinahanap.

Aanhin ko ang kayamanan
kung ang puso'y salawahan,
Nais ko'y pagibig na tunay
at walang kamatayan.

Koro:

Maalaala mo kaya
ang sumpa mo sa akin,
Na ang pagibig mo ay
sadyang di magmamaliw.
Kung nais mong matanto,
buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
ang doo'y nakatago.

Di ka kaya magbago
sa iyong pagmamahal?
Hinding-hindi giliw ko
hanggang sa libingan
O. kay sarap mabuhay
lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
ay di na mapaparam.

top


MABUHAY
Patriotic Song by Juan Silos, Jr.

Dutchland toasts with prozit
Sweden answers "scol"
England says their cheerio
And lifts the flowing bowl.
Hawaii says "aloha"
Japan shouts "bansai"
But in the Philippines
You'll hear this cheering cry --

We say "mabuhay", we say "mabuhay"
Under the blue skies where our friends sit by.
A greeting of farewell, a toast that will wear well
We raise our voices and we say "mabuhay!"

top


MAGANDANG PILIPINAS
by J. Balita

Sa langit ng aking bayan
Ang mga bituin kay inam tingnan
Dito'y may saganang lupa
Sa paggiliw, walang papantay

Magandang Pilipinas
Sa biyaya ay mapalad
Laging kaysaya ng buhay
Pilipinas kong Inang Bayan

top


MAGTANIM AY DI BIRO
Traditional Tagalog Folk Song

Magtanim ay di biro,
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo,
Di naman makaupo.

Sa umaga pagkagising
Ay agad iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit,
Binti ko'y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.

Koro:

Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat,
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas.

top


MATUD NILA
by Zubiri

Visayan Version:

Matud nila ako dili angay
Nga magmanggad sa imong gugma
Matud nila ikaw dili malipay
Kay 'wa ako'y bahandi
Nga kanimo igasa

Gugmang putli mao day pasalig
Maoy bahanding labaw sa bulawan
Matud nila kaanugon lamang
Sa imong gugma ug paraig.

Chorus:
Dili molubad kining pagbati
Bisan sa unsa nga katarungan
Kay unsa pay bili ning kinabuhi
Kon sa gugma mo hinikawan

Ingna ko nga dili ka motuo
Sa manga pagtamay kong naangkon
Ingna ko nga dili mo kawangon
Damgo ug pasalig sa gugma mo.

Coda:
Damgo ug pasalig sa gugma mo

Tagalog version: (IKAW NA LAMANG)

Kalungkutan sa unang pagibig
Ang sinapit ng pusong sabik
Ako raw ay walang maiaalay
Kahit kaunting ligaya
Pagkat salat sa yaman
Nasugatan ang aking damdamin
Nanghihinayang ako sa 'yo giliw
Kung sakaling sawi man ang puso
Subalit tunay ang pagsuyo
Kayamanan ko hanggang pumanaw
Ang pagibig mong tanglaw sa buhay
Binabanggit kita sa panalangin
Lumigaya ka pagpalain
Ay aking mahal ikaw na lamang
Ang ligaya ko sa kalungkutan
T'wing sasapit ang gabing tahimik
Di kita malimot sa pagibig

top


Ngayon At Kailanman
George Canseco

I

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap at ginhawa pa
Ashang may kasama ka, sinta
Naroroon ako tuwina
Ngayon at kailanman

II

Dahil kaya sa'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw
Ay s'yang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapaglingkuran, hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa aking buhay

III

Sa bawa't araw ang pagibig ko sa'yo liyag
Laloang tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

IV

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di na gumalaw
Subalit isang araw pa
Matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggand doon magwawakas
Pagibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Repeat III 2X

Labis kitang mahal
Tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman

top


O ILAW
Tagalog Folksong

O, Ilaw
sa gabing madilim
Wangis mo'y
bituin sa langit

O, tanglaw
sa gabing tahimik
Larawan mo Neneng
nagbigay pasakit

Tindig at magbangon
sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
na lubhang mahimbing

Buksan ang bintana
at ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo
ang tunay kong pagdaing

top


O KAKA, O KAKA
Pampango Folk Song

O kaka, o kaka, San Fernando't Wawa
Betis at Baculud sakup ning Menila
Karin pu ke kami dakal lang baluga
Mangayap la ke ka biasa lang mamana.

O kaka, o kaka kabalat ka paya
Sabian mo ng patas nung ena ka bisa
Karin pu kekami dakal lang baluga
ma ngayap la keka biasa lang mamana.

top


Home > Repertoire > Lyrics

Home | Organization | Music | Events | Gallery | Contact | Links | Site

©1995-2018 University of the Philippines & Friends Rondalla

http://www.upafrondalla.org
creators: J. Sonny Santos and Faith Reyes

</BODY> </HTML>